Home NATIONWIDE Alcantara provisionally admitted sa WPP kahit nagsauli ng P110-M – DOJ

Alcantara provisionally admitted sa WPP kahit nagsauli ng P110-M – DOJ

232
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang kampo ni dating DPWH Engr. Henry Alcantara na mabibigyan ito ng witness protection matapos magsauli ng limpak-limpak na halaga ng pera mula sa kickback sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno.

Ang pagbabalik ng nakuhang pera ay isa lamang sa kondisyon ng Department of Justice (DOJ) o ang tinawag na restitution.

Ayon kay Justice Assistant Secretary Frederick Vida na ang P110 milyong cash na itinurn-over ni Alcantara ay kondisyon sa aplikasyon niyang maging state witness.

Pero paglilinaw ni Vida, hindi porke’t nagsauli si Alcantara ng limpak-limpak na pera ay awtomatiko na siyang magiging state witness.

Sa ngayon, nananatiling provisionally admitted si Alcantara sa witness protection program ng pamahalaan.

Bukod sa kaniya, nangako na rin umano si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na magsasauli ng pera.

Dadalhin umano ang bultong pera sa Land Bank of the Philippines  para suriin kung peke o totoong pera ang iprinisinta sa media. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here