Home ENTERTAINMENT Alden at Dom, inakusahang user!

Alden at Dom, inakusahang user!

Manila, Philippines – Nagkakapareho ng kapalaran sina Alden Richards at Dominic Roque.

Ang parehong akusasyon sa kanila: user!

Batay ito sa kanilang mga well-publicized sightings.

Sa kaso ni Alden, pag may family affair daw sa bahay nina Kathryn ay hindi maaaring hindi present.

Bale ba, sinadya raw makipag-close ng Kapuso actor nang mabuwag ang KathNiel loveteam.

Sa kaso naman ni Dom, twinning naman daw sila ng Kapamilya actress nang magkasabay sa isang beauty clinic for their skin treatment and maintenance.

Nananamantala rin daw si Dom just because tulad niya’y malaya na rin itong umibig muli.

Buti na lang, nakahanap ng kakampi si Dom.

Ayon sa mga netizens ay matagal nang magkaibigan sina Kathryn at Dom.

In fact, Kathryn addresses Dom as “bro.”

Natural din lang na si Dom ang inaasahang kasama ni Kathryn sa clinic ni Dra. Aivee at hindi si Alden.

To begin with, loyal si Alden kay Dra.

Vicky Belo dahil endorser siya ng clinic at mga serbisyo nito.

Gets? Ronnie Carrasco III