Home NATIONWIDE Eroplano sa Los Angeles natanggalan ng gulong pagkalipad

Eroplano sa Los Angeles natanggalan ng gulong pagkalipad

MANILA, Philippines – Nawalan ng gulong ang isang Boeing jetliner matapos magtake-off mula sa Los Angeles.

Ayon sa United Airlines, na nagpapatakbo ng Boeing 757-200, nawalan ng gulong ang eroplano matapos na lumipad mula sa Los Angeles International Airport ngunit ligtas na nakalapag sa Denver na destinasyon nito.

“The wheel has been recovered in Los Angeles, and we are investigating what caused this event,” saad sa pahayag ng airline.

Walang naitalang nasaktan mula sa 174 pasahero at pitong crew members na sakay nito.

Ito na ang ikalawang pagkakataon sa mga nakalipas na buwan na nawalan ng gulong ang Boeing plane na pinatatakbo ng United Airlines.

Noong Marso, isang Boeing 777 na patungong Japan ang nalaglagan ng gulong matapos magtake-off mula San Francisco.

Kinailangan nitong mag emergency landing sa insidente. RNT/JGC