Manila, Philippines – Kung nakilala late last year ang talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz bilang “Patron ng mga Showbiz Breakups,” tila bumabawi ito ngayon.
Sa kanilang pinakahuling online program, isa na namang pasabog ang inilabas niya.
Quoting his source, iniulat ni Ogie na totoong nanliligaw daw si Alden Richards kay Kathryn Bernardo.
No wonder daw na asikasung-asikaso ng aktres ang Kapuso actor nang dumalo ito sa blessing ng kanyang three-story house sa Antipolo City kamakailan.
Supposedly pala ay dadalo si Alden sa Esports Awards pero mas pinili niyang umattend sa house warming.
While there, aligaga rin daw si Alden sa pag-eestima ng mga bisita ni Kathryn.
Ang nakakatuwa pa, boto raw si Mommy Mon na ina ni Kathryn kay Alden.
Ani Ogie, natagpuan daw ni Mommy Min ang mga ideal qualities ng isang karapat-dapat na nobyo ng anak.
Bukod daw kasi sa marunong humawak ng pera si Alden ay magalang at mabait pa ito.
Ramdam daw ng side ni Kathryn ang ipinakikitang pagpapahalaga ni Alden sa aktres.
The least kasi that Alden shared with the press nang tanungin tungkol dito ay: “What you see is what you get!”
Samantala, dagdag pang tsika ni Ogie, bukod kay Alden ay nanliligaw din daw si Jericho Rosales kay Kathryn.
‘Yun nga lang, as far as Kathryn’s side is concerned, between Alden and Jericho ay mas bet nila ang una para sa 28 anyos na aktres.