Home ENTERTAINMENT Alden, umaming nagkaroon ng mental health issue!

Alden, umaming nagkaroon ng mental health issue!

287
0

Manila, Philippines – Wagi si Alden Richards bilang Best Single Performance by an Actor sa katatapos lang na 37th Star Awards For TV na ginanap noong Sunday ng gabi sa VS Hotel.

Sa kanyang acceptance speech, dinedicate niya ang award sa mga taong may mental health.

‘Yun kasi ang role niya sa Magpakailanman, na siyang nagpanalo sa kanya  dahil nagampanan niya ito ng buong husay.

“I dedicate this award sa mga may mental health problems,” sabi niya.

“For me to send the message for all the people, ang mental health po ay hindi biro, hindi ito gawa-gawa lang ng mga taong nakaka-experience nito.

“Personally ay biktima rin ako ng mental health issue. And my mom is a bipolar, and I know what exactly how it feels na may mga ganyang klase sa household.”

Sa tanong kung ano ang ginagawa niya para maipaglaban ang ganyang anxiety, ang sagot niya, “I go running.”

Congratulations Alden! Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here