Home METRO Lola, utas sa sunog sa Cavite

Lola, utas sa sunog sa Cavite

306
0

CAVITE, Philippines – Isang 70-anyos na lola ang namatay makaraang lamunin ng apoy ang kanilang tirahan sa Bacoor City, Cavite.

Ayon sa nakalap sa report, kinilala ang biktima na si Rosalinda Lapinig, na naisugod pa sa Cavite East Asia Medical Center ngunit namatay din kalaunan, habang dumanas naman ng first degree burns ang asawa nito na si alyas Chrispo, 70, kapwa residente ng Brgy Molino 3, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, bandang alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang nagsimula ang sunog sa nasabing bahay.

Base sa imbestigasyon bandang alas-12:06 ng madaling araw nang idineklarang fireout ni SFO1 Abigail Cabacarang Bacoor City Bureau of Fire Protection.

Tinatayang nasa P450,000.00 halaga ang ng pinsala habang inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here