MANILA, Philippines – Tahasang itinaggi ni NCRPO Director PMGen Sidney S Hernia ang mga alegasyon sa kanya at sa labing apat na iba pang tauhan niya ng extortion o pangingikil.
Ayon kay Hernia, “absurd and unfounded” o walang katotohanan at walang basehan ang naturang mga alegasyon.
Maaalalang nag-ugat ang alegasyon ng pangongotong ni Hernia sa isang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) raid sa Century Peak Tower sa Ermita, Manila, na ang target nito ay mga online scammers at illegal POGO operations.
Ang naturang raid na naging kontrobersyal ay tinawag na “mother of all scam hubs,” at isinagawa ng mga tauhan ng PNP-ACG sa ilalim ng cyber warrants, na una naman nang nilinaw ni PNP CHIEF, Gen. Rommel Francisco D Marbil,
Iginiit ni PMGen Hernia na hindi niya kukunsintihin ang anumang pagkakamali sa kanyang hanay.
Hinikayat din nito ang kanyang mga accusers na lagyan ng laman o basehan ang kanilang mga alegasyon. Dave Baluyot