MANILA, Philippines – Natukoy na ng mga awtoridad ang dalawa pang suspek sa pagdukot sa American content creator na si Elliot Eastman sa Sibuco, Zamboanga del Norte.
Unang tinukoy ng pulis ang anim na suspek.
Si Eastman ay dinukot ng apat na armadong kalalakihan sa bahay nito noong Oktubre 17, 2024. Siya ay binaril sa binti nang tumanggi itong sumama sa mga armadong lalaki.
Dito na pwersahang dinala si Eastman sa bangka at mabilis na tumakas.
Noong Oktubre 29, tatlo sa anim na suspek ang nasa kustodiya na ng pulisya na nagsilbi umanong ‘point men.’
Ang dalawa sa mga suspek ay sumuko habang ang isa ay naaresto sa bahay nito sa Sibuco.
Bukod sa anim na suspek, may natukoy pa ang mga awtoridad na dalawa pang suspek sa pamamagitan ng impormasyon at ebidensya na ibinahagi ng mga witness.
Ayon sa pulisya, ang dalawa ay residente ng Region 9.
“(Noong Biyernes), nagkaroon ng supplemental case filing against another two identified suspects who directly participated sa kidnapping ni Mr. Elliot. Iba ito, identified sila, pero still at-large pa rin, nadagdagan lang sa three na at-large, so 5 sila ngayon,” pahayag ni PRO-9 Spokesperson, Lt. Col. Helen Galvez, sa panayam ng GMA News. RNT/JGC