Home NATIONWIDE Wanted Indonesian kabilang sa mga naaresto sa ni-raid na BPO sa Bataan

Wanted Indonesian kabilang sa mga naaresto sa ni-raid na BPO sa Bataan

MANILA, Philippines – Napag-alaman na wanted pala sa kanilang bansa ang isang Indonesian national na kabilang sa mga naaresto ng awtoridad sa ni-raid na
business process outsourcing (BPO) compound sa Bagac, Bataan.

Ayon sa ulat, ang Indonesian ay wanted dahil sa umano’y scamming activities, money laundering, at online gambling.

Nag-ooperate na ito sa Pilipinas ng may isa at kalahating taon at nakakuha na ng halos 900 billion rupiah, o halos P4 bilyon.

“Just providing like a support system to operate the gambling online with the customer in Indonesia,” pahayag ni Police Senior Superintendent Retno Prihawati, ang police attache ng Indonesian Embassy.

“It’s really illegal. I told you before that Indonesia is very strict even for someone posting on social media, this is not allowed,” dagdag pa niya.

Nakikipag-ugnayan na ang Indonesian authorities sa kanilang counterpart dito sa Pilipinas para sa deportation.

Ang wanted Indonesian ay team leader at operations manager ng Central One Bataan, ang nilusob na BPO, na kasalukuyang iniimbestigahan para sa iba’t ibang krimen. RNT/JGC