Home HOME BANNER STORY Alegasyong pondo kapalit boto sa Kamara itinanggi ni Rep. Suansing

Alegasyong pondo kapalit boto sa Kamara itinanggi ni Rep. Suansing

240
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni Nueva Ecija 1st Congressional District Representative Mikaela Angela “Mika” Suansing noong Linggo ang mga alegasyong ibinato laban sa kanya ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste.

“The house leadership has always maintained as a policy as a principle to not sway any individual member to vote a certain way,” pahayag ni Suansing.

Ang mga paratang ay may kaugnayan sa umano’y ₱151 milyon na “incentives” na sinabi ni Leviste na inalok sa kanya ng isang indibidwal na nagpakilalang mula sa opisina ni Suansing, sa gitna ng patuloy na finalization ng 2026 national budget.

Ayon kay Leviste, may kinalaman umano ito sa mga alokasyon para sa mga programa ng gobyerno.

Mariing itinanggi ni Suansing ang akusasyon at iginiit na malaya ang bawat miyembro ng House of Representatives na bumoto at magpasya batay sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan at sa kanilang konsensya.

“The house is a collegial body, house of representatives is a collegial body. We respect each member to have the freedom to choose based on the needs. Not just choose, to vote and to decide based on the needs of their constituents and their conscience.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here