Home HOME BANNER STORY Allocables sa 2025 budget, pinabulaanan ni Bersamin

Allocables sa 2025 budget, pinabulaanan ni Bersamin

232
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin noong Linggo na siya ay may anumang “allocables” sa 2025 national budget.

Ayon sa kanya, nagulat at nagalit siya sa pahiwatig na siya ang tinukoy na “ES” sa mga dokumentong umano’y galing kay yumaong Public Works Undersecretary Catalina Cabral.

Sinabi ni Bersamin na hindi siya humiling, nag-endorso, nag-apruba, o nag-authorize ng anumang proyekto mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) o anumang alokasyon sa anumang yugto ng budget process.

“I also deny having instructed anyone, whether inside or outside of the government, to use my name or that of my former office for any such purpose,” dagdag niya.

Binanggit ng dating opisyal na dapat masusing imbestigahan ang “Cabral files” o DPWH leaks dahil ito ay naglalantad ng mga tanong tungkol sa umano’y depektibong proseso ng pambansang budget.

Handa rin siyang makipagtulungan sa mga awtoridad para sa imbestigasyon.

“I strongly urge that the so-called Cabral Files should be thoroughly scrutinized to unmask those behind the budget manipulation. I respectfully call on all investigative bodies to place this matter at the top of their agenda,” ani Bersamin.

Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na maaaring imbitahan sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ang mga Cabinet secretaries kapag na-verify ang dokumento, kabilang ang mga Special Allotment Release Orders (SARO) na may petsang Disyembre 27, 2024.

Ang mga dokumento mula sa kampo ni Cabral ay nagpakita ng P50 bilyon sa unprogrammed appropriations, kung saan P30 bilyon ay para sa flood control projects, at ilan ay tinukoy na “ghost projects.”

Tiniyak naman ng Malacañang, sa pamamagitan ni Press Officer Claire Castro, na pananagutin ang sinumang Cabinet member kung may sapat na ebidensya laban sa kanila. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here