Home ENTERTAINMENT Alessandra, feeling old, planong mag-retire sa showbiz!

Alessandra, feeling old, planong mag-retire sa showbiz!

Manila, Philippines – Ipinost ni Alesandra de Rossi ang listahan ng mga sinehan ng kanilang pelikulang Firefly at ang naging comment niya, “Aba! The more, the merrier, thank you Lord! Baka naman may mas malapit sa inyo? Huhu.”

Masaya si Alex dahil nadagdagan ang mga sinehan na ibinigay sa kanila. From 32 ay naging 33 at ang latest ay sa 38 cinemas na mapapanood ang Firefly.

Sa tanong kay Alex kung bakit niya tinanggap ang Firefly, “Maganda ang kuwento, kuwentong nanay. Bihira lang ang ganitong genre, konti na lang ang gumagawa at pag maganda ang project, gusto mong sumali. Ako ang may pinakamagandang role.”

Marami ang naaliw sa pasasalamat ni Alex sa kanyang daddy sa Christmas gift nitong necklace.

Sabi niya, “Thank you, Daddy, ang tagal bago ko nagamit. Lagi kasing naka-duster! Ayan! Nag-glam na ako after a decade. Glam?!!”

Makikita pa sa isang post na pinapanood ng dad niya si Alex nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan suot niya ang necklace na regalo sa ng ama. Panira lang ang mom ni Alex sa comment na sa regalo lang na kuwintas at hikaw hanga ang kanyang dad. Akala pa naman ng mom ni Alex, sa ganda ng anak humanga ang ama nito.

Well, ganyan magbiruan ang mag-ina na mistulang magkabarkada lang.

Next year ay turning 40 years old na si Alex at feeling old na raw siya kaya naiisip niyang mag-retire na sa showbiz.

Pero as of now ay may mga roles pa siyang gusto gampanan na hindi pa niya nabibigyan ng katuparan.

Sa dami ng kanyang nagawang movie ay may dream role pa rin siya na sana ay mapagbibigyan ng mga producers.

Ambisyon din ni Alex na magpakita ng skin tulad ng ginawa ng kanyang Ate Assunta de Rossi sa big screen.

Ang siste ay hindi kaya siya laitin ng mga bashers dahil ang kadalasang role na ginagampanan niya ay mother role tulad sa Firefly, kahit na sa totoong buhay ay dalaga pa siya. Gerry Ocampo

Previous articleBalasahan sa DA umarangkada
Next article‘New wave’ ng COVID-19 pinabulaanan ng DOH