Home NATIONWIDE Balasahan sa DA umarangkada

Balasahan sa DA umarangkada

MANILA, Philippines- Isang malawakang balasahan ang ikinasa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa liderato ng Department of Agriculture (DA).

Sa isang kalatas, sinabi ng DA na ang reshuffling o pagbalasa sa mga ‘key management positions’ sa loob ng departamento “meant to more efficiently carry out President Ferdinand Marcos Jr.’s marching orders to modernize the farm sector and ensure the country’s food security.”

Tinuran ng Agriculture Department na nauna nang nagpalabas si Laurel ng serye ng special orders na muling nagtatalaga sa ilang pangunahing opisyal ng DA “to better harness their talents and vast experience.”

Sa katunayan, kailangan nang isuko ni Senior Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang kanyang “multiple roles” matapos na italaga siya bilang adviser ng DA chief sa ilalim ng Technical Advisory Group ng Kalihim, gamitin ang malalim nitong pang-unawa sa farm sector, partikular na sa rice production.

Si Sebastian ay nauna nang itinalaga bilang Undersecretary para sa Rice Industry Development Program.

Pinalitan ni U-Nichols Manalo si Sebastian sa DA rice unit si Manalo, pinangalanan bilang director ng National Rice Program —kung saan hahawakan ni Manalo ang nasabing posisyon kasabay ng kanyang posisyon bilang director IV at officer-in-charge-director ng field operations service, at director ng national corn program.

Samantala, itinalaga naman si Secretary Arnel de Mesa bilang full-time spokesperson ng DA.

Dagdag pa rito, aakto naman si officer-in-charge (OIC) Undersecretary for Operations Roger Navarro bilang OIC-Undersecretary for Rice Industry Development, OIC-national project director of the Philippine Rural Development Project, at OIC-Assistant Secretary for Operations.

Si Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate ay itinalaga bilang Undersecretary for Policy, Planning and Regulations “in a concurrent capacity.”

Itinalaga naman si Undersecretary Mercedita Sombilla para pangasiwaan ang operasyon at makikpag-ugnayan sa mga programa ng DA Bureaus.

Inatasan  si Chief Administrative Officer at OIC director for financial and management service Thelma Tolentino bilang Undersecretary-designate for Finance.

Gayundin, magiging tungkulin ni Undersecretary Agnes Catherine Miranda na pangasiwaan ang mga operasyon at i-coordinate ang mga programa ng DA Attached Agencies at Corporations.

Tinuran pa ng DA na lumikha si Laurel ng isang team na tutugon sa  “concerns, requests and facilitate submissions” ng DA sa Office of the President-Presidential Management Staff.

“Further changes in the DA leadership are likely given the temporary nature of certain appointments and the additional work load placed on the shoulder of certain officials,” ayon sa DA. Kris Jose

Previous articleBong Go: NTF-ELCAC palakasin, rebel returnees tulungan 
Next articleAlessandra, feeling old, planong mag-retire sa showbiz!