Home ENTERTAINMENT Alex Calleja, pinaglaruan ang Julia-Gerald breakup!

Alex Calleja, pinaglaruan ang Julia-Gerald breakup!

286
0

Manila, Philippines – Idinaan sa comedy ng standup comedian na si Alex Calleja ang pinag-uusapang breakup nina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Recently ay nag-release ng official statement ang Star Magic confirming the breakup of the couple.

Ang Star Magic ang nangangalaga sa career ni Gerald.

Naglabas din ang Viva Artist Agency which takes care of Julia’s career.

Nakiusap ang Star Magic at VAA na respetuhin ang mutual decision nina Julia at Gerald, at iwasang magkalat ng fake narratives.

Hindi naman pinalampas ni Alex Calleja ang naturang latest showbiz headline.

Sa kanyang Facebook account, nag-post siya ng art card kung saan sinabihan niyang “matigas ang ulo” ng dating magnobyo.

“Sabi nang huwag munang maghiwalay eh!” anang card.

Matatabunan daw kasi ng breakup nila ang flood control anomaly issue, kung saan sangkot ang mga senador, congressman at mga opisyal ng DPWH.

Sa pagpapatuloy nga ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay na-cite for contempt pa ang contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya dahil sa pagsisinungaling.

Gayundin din si dating Bulacan engineer na si Henry Alcantara na binarag ni Senator Raffy Tulfo sa kawalan daw nito ng nalalaman tungkol sa mga anomalyang proyekto.

Umani rin ng nakakaaliw na reaksyon ang post ni Alex, na kahit hindi naman daw maghiwalay sina Julia at Gerald ay babaha pa rin daw. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here