Manila, Philippines – Unti-unti ay namumulat si Alex Gonzaga sa mundo ng politics.
Bukod kasi sa all-out support ang kanyang binibigay sa mister na si Mikee Morada na kandidatong Vice Mayor sa Lipa Batangas, at sinuportahan din niya ang amang si Daddy Bonoy, sinusuportahan din niya ang Uswag Ilonggo Party-list ni Cong. James “Jojo” Ang, Jr.
Marami tuloy ang nagtatanong kung papasukin na rin ba ni Alex ang mundo ng kanyang asawa.
Naniniwala naman kasi si Alex sa magagandang adbokasiya ng grupo at nasaksihan niya mismo ng personal na mahal na mahal ang first nominee ng nasabing partylist ng mga Ilonggo. Ibig sabihin ay kampyon sa serbisyo ang ineendorso niyang pulitiko.
Popular na talaga ang nasabing partylist sa buong Iloilo dahil nanalo ito noong 2022 election at tatlong taon na silang nagseserbisyo sa tao. Pero naniniwala si Cong. Jojo na malaking factor ang suporta ni Alex.
Si Alex na rin ang nagsabi na marami nang naisagawang proyekto sa iba’t-ibang lugar sa Iloilo ang grupo tulad ng naipatayo nilang 162 na imprastraktura, 26,720 na nabigyan ng tulong medical, 4,623 na mga napagkalooban ng skills training, at iba pa.
Napaunlad rin Cong. Jojo ang kanilang turismo lalo’t kilalang mayaman sa kultura ang Iloilo.
Si Cong. Jojo na suportado ni Alex ay tumatakbo uli sngayong 2025 midrerm election. In all fairness, parating pasok sa survey ng top 10 partylist ang Uswag Ilonggo na 156 ang opisyal na numero sa balota.
Sabi nga ni Alex, nasa panghuling numero ang Uswag Ilonggo, kaya madali itong matandaan ng mga botante. Peter Ledesma