Home ENTERTAINMENT Ruru, di pa magaling, nagpumilit magtrabaho!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ruru, di pa magaling, nagpumilit magtrabaho!April 11, 2025 18:35 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – Hamstring injury.Ito ang pinsalang tinamo ni Ruru Madrid while taping his teleserye Lolong 2 on GMA.Dahil nga doon kaya pinayuhan ang Kapuso actor ng kanyang doktor that he couldn’t work until after two-three weeks bago ganap na maghilom ito.Pero dala na rin ng katigasan ng ulo–or better yet dedikasyon sa trabaho–after four days of bed rest, Ruru returned to work.‘Yun nga lang, nilimitahan na ang tindi ng kanyang mga action scenes.He reported to the set nang naka-wheelchair at may crutches pa.Para na lang mag-resume ang taping ng Lolong, mismong ang creative team na ang nag-adjust kay Ruru.The script had to undergo revision.Retained pa rin ang mga makapigil-hiningang action scenes pero nakaupo na lang si Ruru.Isa si Rochelle Pangilinan sa mga bumilib kay Ruru sa sense of professionalism nito.As for Ruru, nagpapasalamat siya after mapagtantong hindi lang talento ang mahalaga kundi ang pagkakaroon ng mga katrabahongnaroon para umalalay sa kanya.Mabuti na lang, Ruru’s hamstring injury is far from being severe and serious.Bale ba, accident-prone ang dyowa ni Bianca Umali! Ronnie Carrasco III