Home NATIONWIDE Task force binuo ng DOJ sa agarang pagresolba ng kidnapping cases

Task force binuo ng DOJ sa agarang pagresolba ng kidnapping cases

MANILA, Philippines – Magtatatag ang Department of Justice ng anti-kidnapping task force para maging maayos ang pakikipagtulungan ng mga law enforcement agency pagdating sa mga insidente ng kidnapping.

Inanunsyo ito ni Justice Sec. Boying Remulla at ni National Bureau of Investigation Jaime Santiago kasunod ng insidente ng pagkidnap at pagpaslang sa Filipino-Chinese businessman na si Anson Que.

Bukod sa DOJ, kasama sa Task Force ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Sinabi ni Remulla na nagkaroon na sila ng dayalogo sa Filipino-Chinese businessmen upang tiyakin na gumagawa ng hakbang ang gobyerno.

Sa susunod na linggo ilalabas ang hotlines na maaaring tawagan ng mga may nalalaman sa kaso ng kidnapping. TERESA TAVARES