Home ENTERTAINMENT Alfred, binoljak sa ibinigay na ‘kabuhayan showcase’!

Alfred, binoljak sa ibinigay na ‘kabuhayan showcase’!

Screenshot

Manila, Philippines – Sa halip na umani ng mga papuri, panlilibak ang hinamig ni Quezon City Councilor Alfred Vargas sa mga ipinamahaging kabuhayan showcase nito sa kanyang mga ka-distrito.

Isang concerned citizen ang nagpadala ng isang larawan sa amin via Messenger.

Makikitang inabutan ng pulitikong aktor ang isang residente believed to be the owner of a sari-sari store ng isang tray na namumutiktik ng mga pakete ng sari-saring junk food o tsitsirya sa tapat ng tindahan nito.

‘Yun daw ang “kabuhayan showcase” na handog ni Alfred.

Kabilang ang babaeng residente sa mga naninirahan sa District 5 ng nasabing lunsod.

Reklamo ng mga residente roon, paano raw matatawag na kabuhayan showcase ang de-ribbon pang tray, eh kung susumahin ay walang P100 ang kabuuang halaga niyon?

Kelan pa raw nakakabuhay ang perang puwedeng kitain mula sa junkfood?

Hinahanap tuloy ng mga District 5 residents ang dapat sana’y totoong kabuhayan showcase na para sa kanila.

Samantala, viral sa social media ang isang video kung saan nasa entablado si Alfred kasama ang ilang ka-partido niya.

Inalmahan ng mga netizens ang paraan ng pangangampanya ni Alfred para isulong ang kanyang mga partymates.

Ipinagmamalaki niyang mga guwapo ang nasa ticket niya samantalang mga mukhang addict daw ang nasa kalaban.

Tinawag na bulok ang style ni Alfred.

Bukas ang Remate Online sa panig ni Alfred Vargas. Ronnie Carrasco III