Home NATIONWIDE Alice Guo, hinamon sa Senado: Sumailalim sa DNA test

Alice Guo, hinamon sa Senado: Sumailalim sa DNA test

MANILA, Philippines- Hinamon ng isang senador si Banbam Tarlac Mayor Alice Guo na sumailalim sa DNA test kasama si Wen Yi Lin  isang Chinese citizen na pinaghihinalaang tunay na ina nito taliwas sa nakatala sa late registration ng kanyang birth certificate.

Sinabi ni Senador Win Gatchalian na madali lang mag-imbento ng kuwento kaya mas makabubuting sumailalim ito sa isang DNA test na magpapatunay sa kanyang biological mother taliwas sa maraming impormasyon na hindi totoo.

Base sa impormasyon ni Gatchalian, ipinakilala si Lin bilang tunay na ina ni Guo na pawang kasosyo nito sa pito mula sa 14 na negosyo na nakapangalan sa alkalde.

“Nakikita ko ‘yan sa mga family business na kapag family business ka, ‘yung nanay mo incorporator, ‘yung tatay mo incorporator, mga kapatid mo incorporator, officers rin kayo lahat,” ayon kay Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na nagsinungaling si Guo nang hindi nito aminin na kapatid niya sina Shiela at Seimen Guo sa ginanap na pagdinig bnoong Mayo 7.

Pinaniniwalaan din ni Gatchalian na nagsinungaling din ang kanyang ama, si Jian Zhong Guo o Angelito Guo nang mag-apply ito ng birth certificate sa kanyang mga anak.

Gusto din ni Gatchalian na magpanukala ng reporma sa proseso ng pagpaparehistro ng kapanganakan dahil kasalukuyang iniimbestigahan ng  Philippine Statistics Authority (PSA)  ang 300 local cases ng fake birth certificates at 65 cases na kinasasangkutan ng dayuhan.

Nais din ng senador na palakasin ang batas laban sa  money laundering dahil malaki ang posibilidad na mangyari nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Bamban.

Base sa  incorporation papers ng QJJ Group of Companies ni Guo, nakatala na nakatira  siya sa  Canumay West Village sa Valenzuela City, katulad na address ng kanyang pamilya at ni Lin.

Pero, pinabulaanan ng residente sa lugar kabilang ang ilang opisyal ng barangay na tumira ang pamilya nito sa naturang address, ayon kay Gatchalian.

“Hinanap po namin, sinearch po namin kahit sa mga pangalan din po wala po kami talagang record,” ayon  kayGian Paolo San Andres, hepe ng barangay.

Hindi rin makita ni Gatchalian ang records ng QJJ Embroidery ni Guo sa Valenzuela City.

“Noong chineck namin sa business permit section ng City Hall, walang ganoon na registered company,” ayon kay Gatchalian.

Base sa dokumento ng  Bureau of Internal Revenue mula sa tanggapan ni Senator Risa Hontiveros, tumira si Lin Balintawak, Quezon City.

Pero, natuklasan na hindidito tumira ang pamilya ayon sa ilang residente at security guard ng isang compound doon. Ernie Reyes