Home NATIONWIDE Alice Guo kailangan ng TRO sa pagtakbo sa 2025 poll – Comelec

Alice Guo kailangan ng TRO sa pagtakbo sa 2025 poll – Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na tatanggapin ang Certificate of Candidacy (COC) ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung maghahain ito para sa Eleksyon 2025, ngunit binanggit na maaaring madiskwalipika ito maliban kung makakuha ng temporary restraining order (TRO).

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na may grounds ito para sa diskwalipikasyon.

Kabilang sa dahilan ng disqualification ay pagiging nuisance candidate, at ang desisyon ng Ombudsman na magpataw ng disqualification mula sa paghawak ng pampublikong katungkulan.

Samantala, umapela si Garcia sa publiko ng pang-unawa sakaling maghain ng COC si Guo.

Tiniyak naman ni Garcia na ang poll body ay agad na ididiskwalipika ang mga nuisance candidates.

Nangako rin ang Comelec na ireresolba ang mga kaso na kinasasangkutan ng mga nuisance candidate para sa 2025 midterm elections bago matapos ang Nobyembre.

Nauna na ring sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na ang poll body ay walang kapangyarihan na awtomatikong ikansela ang COC ni Guo dahil kailangan nilang sumunod sa desisyon ng Ombudsman.

Noong Biyernes, sinabi ni Stephen David, ang legal counsel ni Guo na ang na-dismiss na alkalde ng Bamban ay maghahain ng kanyang COC sa Martes, ang huling araw ng COC filing. Jocelyn Tabangcura-Domenden