MANILA, Philippines- Naghain si dismissed Bamban Mayor Alice Guo (Guo Hua Ping) ng not guilty plea sa election offense charge, ayon sa kanyang legal counsel nitong Huwebes.
Dumalo si Guo sa kanyang arraignment sa Capas, Tarlac Regional Trial Court Branch 66.
“Not guilty,” pahayag ni Atty. Stephen David sa isang text message nang tanungin ukol sa plea ni Guo.
Sinabi rin ni David na inaasahang magpipiyansa si Guo sa kanyang election offense case.
Inihayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na nilabag ni Guo ang Section 74 in relation to Section 262 ng Omnibus Election Code.
“She declared in her COC (certificate of candidacy) that she is a Filipino citizen and a resident of Bamban, Tarlac, when in truth and fact, she is not,” ayon sa Comelec resolution na may petsang Oct. 8.
Napag-alaman ng Comelec na tumugma ang fingerprints ni Guo sa kanyang voting records sa fingerprints ng isang babaeng Chinese na nagngangalang Guo Hua Ping sa National Bureau of Investigation.
“We filed a case [against Alice Guo] in Bamban, Tarlac for having six duplicate fingerprints…One [of the fingerprints] is Chinese while the other five is from her,” pahayag ni Garcia sa isang press conference sa certificate of candidacy filing para sa Bangsamoro parliamentary elections noong Nov. 4.
Filipino citizens lamang ang pwedeng tumakbo para sa public office.
Nahaharap din si Guo sa mga reklamong graft, qualified human trafficking, money laundering, at tax evasion at iniimbestigahan pa ng Kamara sa umano’y pagkakaugnay nito sa Philippine offshore gaming operators. Kasalukuyan siyang nakaditine sa Pasig City jail.
Nauna nang inanunsyo ng kanyang abogado na balak ng pinatalsik na alkalde na muling tumakbo sa politika sa gitna ng mga kaso, subalit binawi ito. RNT/SA