Home ENTERTAINMENT Binoe, nag-file ng bill sa proteksyon ng mga celeb endorsers!

Binoe, nag-file ng bill sa proteksyon ng mga celeb endorsers!

148
0

Manila, Philippines- Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Senator Robin Padilla na nag-file nitong December 4 ng Senate bill para maptotektahan ang mga celebrity endorsers sa mga investment scams.

Ito’y ang SB 2899 o Product Endorsers Protection Act.

Bunsod ito ng kasong kinaharap ni Neri Naig na syndicated estafa o paglabag sa Securities Regulation Code.

Layunin ng naturang bill na obligahin ang sinumang kukuha sa celebrity na maging endorser ng kumpanya o produkto na magkaroon ng full disclosure base sa kontrata.

Dapat ding nakasaad sa kasunduan ang sakop ng endorsement.

Kallangang malinaw na walang kinalaman sa sale ng securities ang coverage ng serbisyo ng endorser.

Sa kanyang programang Fast Talk, tinalakay ni Boy Abunda na nababahala siya sa mga nangyayari lalo pa’t sangkot din ang alaga niyang si Rufa Mae Quinto.

Tulad ni Neri, endorser din si Rufa Mae ng Dermacare.

Fourteen counts ng estafa mula sa 39 katao ang nagsampa ng reklamo.

Haharapin naman daw ni Rufa Mae ang kaso bagama’t nilinaw niyang siya rin daw ay biktima.

Binayaran din daw siya ng talbog na tseke, gayong ni isang kusing ay wala siyang nahawakang mga ibinayad ng mga nag-invest sa Dermacare.

Ang misis naman ni Robin na si Mariel Rodriguez ay alaga ni Boy.

Matatandaang ganito rin ang kasong kinaharap ni Ricardo Cepeda na nag-endorse din ng produkto pero dinakip at ikinulong sa piitan sa Tuguegarao noong isang taon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here