Home NATIONWIDE Alice Guo posibleng maalis sa pagka-alkalde sa pamamagitan ng quo warranto

Alice Guo posibleng maalis sa pagka-alkalde sa pamamagitan ng quo warranto

MANILA, Philippines – Posibleng maalis bilang alkalde ng Bamban, Tarlac si Mayor Alice Guo sa pamamagitan ng quo warranto case na nalalapit na matapos makumpirma ng National Bureau of Investigation’s (NBI) na nagtugma ang fingerprints ni Mayor Guo at babaeng Chinese na si Guo Hua Ping.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra nitong Biyernes, Hunyo 28, mapabibilis ng resulta ng fingerprint-matching test ang paghahain ng quo warranto case laban sa suspended mayor.

Aniya, ihahain ang kaso “as soon as possible.”

“This evidence will be extremely useful, but we have to tie this up with other existing evidence to come up with a cohesive picture,” paliwanag niya.

Ang quo warranto ay isang special civil action na tumutukoy kung ang isang indibidwal ay may Karapatan pang humawak ng isang posisyon sa pamahalaan. RNT/JGC