Home HOME BANNER STORY Alice Guo sinampahan ng material misrepresentation charges ng Comelec

Alice Guo sinampahan ng material misrepresentation charges ng Comelec

MANILA, Philippines- Sinampahan na ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong material misrepresentation sa Regional Trial Court ng Tarlac si dating Bamban Mayor Alice Guo o Hua Ping Lin Guo.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nilabag ni Guo ang Section 74 ng Omnibus Election Code na may kaugnayan sa Section 262 ng parehong code .

Ito ay ang paghahain nito ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) noong Oktubre 1, 2021 kaugnay sa May 9, 2022 National and Local Elections sa munisipalidad ng Bamban,Tarlac.

Ayon sa Comelec, kusa at labag sa batas na gumawa ng material misrepresentation sa paghahain ng kanyang kandidatura sa pagiging alkalde ng Bamban, Tarlac si Guo at ang pagdedeklara na siya ay karapat-dapat para sa posisyon na hinahangad na mahalal sa kabila nag pagiging Chinese citizen at residente ng Fujian, China.

Si Guo ay sentro ngayon ng mga pagdinig sa Senado matapos maaresto sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot sa sinalakay na POGO hub sa Tarlac. Jocelyn Tabangcura-Domenden