Home HOME BANNER STORY Alice Guo, tatabunan ng mas maraming kaso kung…

Alice Guo, tatabunan ng mas maraming kaso kung…

156
0

MANILA, Philippines – Mas marami pang kaso ang maaaring itabon kay dismissed Mayor Alice Guo o Guo Huang Ping sa tunay na pangalan kapag naghain ito ng certificate of candidacy para sa 2025 local elections.

Sa pahayag, ibinabala ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na kapag naghain ng COC si Alice Guo, lantarang panloloko ang ginagawa nito dahil bukod sa hindi siya tunay na Filipino, kundi sangkot sa maraming krimen.

“Guo Hua Ping would be committing an act of material misrepresentation if she fills out her certificate of candidacy (COC) and falsely declares herself to be a Filipino citizen,” ayon kay Hontiveros.

“The COC is an important document executed under oath. Kung magpupumilit si Guo Hua Ping sa kanyang kasinungalingan, dadagdag pa ang perjury sa litanya ng mga krimen na kanyang kinasasangkutan,” giit ni Hontiveros.

Matinding binatikos din ni Hontiveros si Guo sa intensiyon nitong tumakbong muli bilang alkalde ng Bamban, Tarlac sa kabila nang sinuspinde ito ng Office of the Ombudsman at patong-patong na kaso ang nakasampa laban sa kanyan.

“Mukhang wala pa ring tigil ang panloloko ni ‘Alice Guo’ sa taumbayan, kahit na nasa loob na siya ng kulungan,” ayon kay Hontiveros.

Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na kapag natuloy ang plano ni Guo, isang matinding dagok na naman ito sa ating batas na ipinagbabawal na tumakbo ang isang dayuhan sa anumang halalan.

“I strongly urge the Comelec to immediately enforce the necessary legal measures to disqualify her from seeking public office,” ayon kay Gatchalian.

Aniya na matagal nang inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang rekomendasyon ng s law department laban kay Guo sa paglabag sa Omnibus Election Code sa pamamagitan ng “blatant misrepresentation.”

“Among the key findings on Guo were her identical fingerprints with Chinese passport holder Guo Hua Ping and her “false claim” that she was a Filipino born in Tarlac despite official records showing that she is a Chinese national born in Fujian province to her mother Lin Wenyi,” ayon kay Gatchalian.

“Malinaw sa ating batas na bawal ang mga banyaga na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno,” paliwanag pa ng senador.

Iginiit naman ni Senador Joel Villanueva na lubhang katawa-tawa naman kung papayagan siyang tumakbo ulit.

Nitong Biyernes, Ipinalutang ng abogado ni Guo na nakatakdang maghain ng COC ang kanyang kliyente kahit pinatalsik ito ng Ombudsman at patong-patong ang kasong kinahaharap nito tulad ng qualified human trafficking. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here