Home ENTERTAINMENT Aljur, dedma sa bday ng anak!

Aljur, dedma sa bday ng anak!

169
0

Manila, Philippines – Ewan kung papalagan pa ni Aljur Abrenica ang pamba-bash sa kanya these days.

May kaugnayan kasi ito sa ‘di niya pagsipot sa ikapitong kaarawan ni Alas, ang panganay niyang anak kay Kylie Padilla.

Minecraft-themed ang party ng bagets na ang sumagot ng gastos ay ang lolo nitong si Senator Robin Padilla.

Bale regalo ni Robin at asawang si Mariel Rodriguez ang party na ‘yon.

Siyempre, punong-abala si Kylie na ipinost ang video ng party na may pa-games pa.

Mapapansing nowhere in the video makikitang nasa party si Aljur to think na ang first at seventh birthdays ng mga bata ay napakaimportanteng okasyon to simply ignore.

Ang sumunod na kasing selebrasyon ay pag nag-18 na ang anak o debut nito kung babae, o 21 kung lalaki.

Nasabihan tuloy na “kapalmuks” si Aljur for snubbing his eldest son’s birthday.

Pero posible rin naman kasing hindi siya invited sa party.

Wala rin sa kiddie party ang nobyo ni Kylie, bagay na okey lang naman daw since nakapagbiyahe na sila sa Hakone, Japan with Kylie and the kids.

Baka nga ma-spoil lang din ni Aljur ang happy mood ni Kylie had he showed up.

Very open na si Kylie ngayon sa pagsasabing she’s already taken.

Masaya na rin daw siya who feels her life is normal when her boyfriend is around.

Pero hindi man lang ba nahiya si Aljur na dating biyenan pa ang gumastos sa party na siya dapat? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here