Home ENTERTAINMENT Aljur, kumasa sa ‘lambing’ ni Coco!

Aljur, kumasa sa ‘lambing’ ni Coco!

300
0

Manila, Philippines – Sobrang lakas ng charisma ni Coco Martin to the point that no one can say no to his request.

Ipinost kasi ni Aljur Abrenica ang isang maikling video clip showing Coco na naglalambing na kantahin naman sana nito ang awiting Himala na pinasikat ng Rivermaya.

Obyus na napapanood ng bida ng Batang Quiapo si Aljur at bilib siya dito.

Hindi naman nagdalawang-isip si Coco–Aljur granted his request in a heartbeat!

Kaya ang sumunod na video, bumabanat na si Aljur ng Himala.

Ayon sa mga netizens, hindi masasabing literal na himala ang maayos na pagkakakanta ni Aljur ng nasabing awitin.

Sey nga ng isa: “I don’t know where the hate is coming from pero on point si Aljur. Let’s just support each other!”

Still another netizen: “”Tenor’ pala ang boses ni Sir Aljur…’tenor-ture’…joke lang!”

May nagbiro rin na bagay magsama si Anne Curtis at ang online sensation–although hindi naman sintunadong kumanta si Aljur.

Anyway, for Coco to make a special request–ibig lang sabihi’y naniniwala ito sa kakayahan ni Aljur.

Kabaligtaran ito ng pang-ookray kamakailan ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon na gagawin daw niyang “alarm clock” ang isang inawit ni Aljur.

Nangangahulugan lang na between Coco and Guanzon, ‘di hamak na mas may tenga sa musika ang Primetime King ng ABS-CBN, ‘no! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here