Home METRO PAGASA nagbabala sa ‘life-threatening’ storm surge ng Typhoon Uwan

PAGASA nagbabala sa ‘life-threatening’ storm surge ng Typhoon Uwan

408
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang state weather bureau PAGASA sa posibleng nakamamatay na storm surge sa silangang bahagi ng bansa dahil sa Typhoon Uwan.

Sa isang advisory na inilabas noong 8 p.m. Biyernes, sinabi ng PAGASA na ang storm surge ay “maaaring mangyari sa loob ng susunod na 48 oras.”

May posibilidad ng pagbaha mula sa pagtaas ng tubig dagat kasama ng matataas na alon sa mga komunidad sa mababang baybayin sa mga probinsya/munisipyo ng:

–Tinatayang taas ng storm surge na higit sa 3 metro:

Camarines Norte

Camarines Sur

Catanduanes

Quezon

–Tinatayang 2.1-3 metro ang taas ng storm surge:

Albay

Camarines Sur

Catanduanes

Quezon

Sorsogon

Inirekomenda ng PAGASA ang mga taong naninirahan sa mga nasabing lugar na lumayo sa baybayin o dalampasigan, kanselahin ang lahat ng aktibidad sa dagat, lumipat sa mas matataas na lugar na malayo sa baybayin at mga lugar na maaaring magka-storm surge.

“The public and the disaster risk reduction and management offices concerned are advised to take appropriate actions and precautionary measures, and watch for the next storm surge information,” ayon sa PAGASA. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here