Home NATIONWIDE Alokasyon sa librong ‘Isang Kaibigan’ ni Sara Duterte, inalis ng OVP sa...

Alokasyon sa librong ‘Isang Kaibigan’ ni Sara Duterte, inalis ng OVP sa 2026 budget

296
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) nitong Huwebes na inalis nito ang mga alokasyon para sa paglalathala at pamamahagi ng “Isang Kaibigan,” ang libro ni Vice President Sara Duterte na umani ng kontrobersya noong nakaraang taon matapos na itulak ng second-in-command ang P10-million fund para sa nasabing reading material.

Sa ilalim ng proposed 2026 budget ng OVP, ang librong “Isang Kaibigan” ay hindi na magiging bahagi ng P100-milyong “Pagbabago Campaign” ng ahensya na naglalayong mamahagi ng mga bag at iba pang gamit sa paaralan para sa humigit-kumulang 200,000 mag-aaral sa buong bansa, ani OVP assistant chief of staff Lemuel Ortonio. Val Leonardo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here