Home HOME BANNER STORY EO na lilikha ng Independent Commission for Infrastructure, inilabas ni PBBM

EO na lilikha ng Independent Commission for Infrastructure, inilabas ni PBBM

332
0

MANILA, Philippines – Inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Executive Order No. 94 na lilikha ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Nakasaad sa Seksyon 1 ng EO na nililikha ito ng ad hoc fact-finding Commission na kikilalanin bilang ICI na bubuuin ng isang Chairperson at dalawang miyembro nito.

Pinili ang mga ito sa kanilang kakayahan, integridad, katapatan at pagiging malaya.

“The Chairperson and Members may be entitled to per diems and allowances, in accordance with existing laws, rules and regulations,” ayon sa EO No. 94.

Magiging mandato naman ng Komisyon sa reklamo or motu propio, ay didinggiin, iimbestigahan , tatanggap, mangangalap at susuriin ang mga ebidensiya, intelligence reports at impormasyon, laban sa lahat ng opisyal ng gobyerno at empleyado at iba pang indibiduwal na sangkot sa anomalya, iregularidad at maling paggamit ng pondo sa ‘planning, financing, at implementasyon ng government flood control at iba pang infrasturcture projects sa buong bansa, sa paglabag at iba pa.

Ang ICI base sa kanilang findings ay magrerekumenda ng paghahain ng tamang criminal, civil at administrative case o action laban sa mga responsable sa tamang ‘disciplinary, prosecutorial at administrative bodies’ gaya ng Offie of the President, Office of the Ombudsman, Department of Justice (DoJ), at Civil Service Commission (CSC), ” to exact accountability, in accordance with relevant laws, rules and regulations; and/ or at magrekumenda sa angkop na government bodies/ agencies and ‘enforcement remedies’, corrective actions, and/ or leagilative measure to ensure the proper implementation of ongoing government flood control and other infrastructure projects.’

Nakasaad naman sa Seksyon 3, upang maging epektibo at episyente ang pagganap sa mandato, sa ilalim ng Seksyon 2, ang ICI ay dapat na mayroong ‘powers and functions’, ‘subject to existing laws, rules and regulations,’

Kabilang dito ang pagsasagawa ng pagdinig, kumuha ng testimonya at tumanggap, mangalap, magrebisa at sumuri ng ebidensiya, report at impormasyon sa usapin saklaw ng kapangyarihan nito na mag-imbestiga.

Magpalabas ng subpoena para sa attendance ng mga testigo at produksyon ng mga kinakailangang dokumento para sa fact-finding nito, at investigation activities, lalo na ng subpoena at testificandum at duces tecum alinsunod sa kaugnay na batas, rules and regulations.

Ipaalam sa kahit na kaninong indibiduwal na nakasaksi o may nalalaman o impormasyon sa krimen, isasailalim ito sa imbestigasyon o fact-finding ng ICI na magpapatotoo at magpapatunay o nakatakdang tumestigo sa nasabing usapin, kung saan ito ay maaaring mag-apply sa Witness Protection, Security, and Benefir Program sa ilalim ng RA No. 6981 kung kuwalipikado.

Irekumenda sa DoJ ang pagtanggap sa isang tao bilang state witness, sa pagkakataon na may pangangailangan na gamitin ang isang tao bilang state witness upang masiguro na ang katarungan ay ganap na maise-serve. Kailangan lamang na ang taong kuwalipikado bilang state witness sa ilalim ng Rules of Court of the Philippines.

Sa tamang request o representasyon, na makukuha mula sa Senado at Kongreso, ang impormasyon at mga dokumento na may kinalaman sa mga bagay na saklaw ng kapangyarihan ng ICI.

Magrekumenda o mag-request mula sa tamang awtoridad ng proper courts, ang pagpapalabas ng hold departure order o iba pang remedies para i-monitor o pagbawalan ang pagbyahe sa ibang bansa o pilitin ang mga ito na bumalik ng Pilipinas mula sa ibang bansa, kung ang sinumang public official or empleyado o kahit na sinumang indibiduwal sa ilalim ng imbestigasyon ng ICI.

Irekumenda o hilingin mula sa angkop na awtoridad na i-freeze at samsamin ang assets, pondo, deposits at property o ari-arian na pinaniniwalaang konektado sa maanomalyang flood control at iba pang infrastructure projects na may nakabinbing imbestigasyon sa ICI.

Ilipat ang mga ebidensiya ‘from time to time’ sa tamang prosecutorial authorities para sa mas mabilis na prosekusyon, sa pamamagitan ng special o interim report para mapigilan ang pagta-tamper ng ebidensiya o impluwensiyahan ang mga testigo sa panahon ng imbestigasyon.

Imbitahan at makipagtulungan sa mga public officials o sa mga pribadong indibiduwal na may kakayahan at integridad, may matatag na kaalaman at kasanayan sa pamamalakad, transparency at accountability at italaga ang mga ito bilang Special Adviser o may ibang kakayahan na itinuturing na kinakailangan upang makatulong sa imbestigasyon ng ICI, ‘sucject to existing laws, rules and regulations.’

“Engage the services of resource persons, professionals, experts in relevant fields and such other personnel as may be necessary to effectively carry out its mandate,” ayon sa EO.

At kung kinakailangan, ipahayag ang rules and regulations o rules of procedure para sa epektibo at episyenteng pagsasagawa ng nilalayon ng Kautusan na ito at tiyakin ang maayos na pagsasagawa ng imbestigasyon nito, proceedings at pagdinig; kabilang na ang presentasyon ng mga ebidensiya.

Sa kabilang dako, nakasaad pa rin sa EO na ang sinumang opisyal ng gobyerno o tauhan na magpapaantala o tumanggi na walang sapat na dahilan, na sumunod sa ipinalabas na subpoena ng ICI o lumitaw sa ICI, tumanggi na manumpa o panindigan ay subject sa administrative disciplinary action, nang walang ‘prejudice’ o kapinsalaan sa kahit na anumang criminal liability. Ang sinumang pribadong tao ay haharap alinsunod sa batas.

Magkakaroon naman ng Secretariat na magbibigay ng technical at administrative support sa ICI kung saan pamumunuan ng Executive Director na itatalaga ni Pangulong Marcos base sa rekumendasyon ng ICI. Ang Executive Director ay magkakaroon ng rank, suweldo at pribilehiyo ng isang Undersecrtary.

“The Executive Director, under the control and supervision of the Chairperson, shall execute and administer the policies and decisions of the ICI and manage the day-to- day operayions thereof,” ayon sa EO.

Samantala, ang ICI ay dapat na suportado ng staff na magko-complement na nagtataglay ng kinakailangang background at expertise upang masiguro ang epektibong implementasyon ng duties at functions ng ICI. Sa loob ng 30 araw mula sa pagiging epektibo ng Kautusan. at walang pag-aalinlangan na kaagad na gawin ang functions ng ICI, idedetermina ng Executive Director ang ‘appropriate organizational structure, staffing pattern, at corresponding qualifcation standards para sa lahat ng posisyon sa ilalim ng ICI.

At isumite ang kahalintulad para sa pagrerebisa at pag-apruba ng Pangulo, at o ng Department of Budget and Management , ‘subject to existing laws, rules and regulations kabilang na ang Organization and Staffing Standards and Guidelines na ipinalabas ng DBM at CSC.

“To enable the ICI to accomplish its mandates, the DoJ, including the National Bureau of Investigation at National Prosecution Service, the DPWH, Department of Interior and Local Government, Philippine National Police at lahat ng departamento, burukrasya, ahensiya at tangapan sa Executive Branch kabilang na ang government-owned or controlled corporations ay magpapaabot ng kanilang ganap na tulong at kooperasyon sa ICI kung kinakailangan ng huli sa pagganap nito ng ‘functions and duties.’

Ang ICI ay magbibigay naman ng monthly report sa Office of the President (OP) sa pamamagitan ng Office of th Executive Secretary (OES).

Ang kautusan ay magiging epektibo sa oras na mailathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may general circulation. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here