Home NATIONWIDE Alyansa kay Imee Marcos: We wish her luck

Alyansa kay Imee Marcos: We wish her luck

Larawan kuha ni Crismon Heramis

Antipolo City- “We wish her luck”.

Ito ang komento ni Alyansa para sa bagong Pilipinas campaign manager Navotas Rep.Toby Tiangco nang hingan ng reaksyon sa pag-alis sa administration senatorial slate ni Sen.Imee Marcos.

Ang campaign sortie ng Alyansa sa Antipolo City ang unang campaign rally ng grupo na wala na si Marcos, wala na ito sa mga banners at mga campaign materials.

Nang tanungin si Tiangco kung kay impact sa Alyansa ang pag-alis ni Marcos ay hindi naman nya ito direktang sinagot maliban sa pagsasabing hangad nila ang mabuti para sa kanilang dating katandem.

“Senator Imee has decided na hindi na po siya sasama sa Alyansa, and we respect her decision and wish her luck. Kami naman tuloy-tuloy lang po ‘yong kampanya namin, para ipakita tulad ng sabi ko kanina ‘yong kakayanan namin, ‘yong kwalipikasyon ng aming labing-isang kandidato na makikita naman kapag pinagkumpara ‘yong track record”pahayag ni Tiangco.

Gayundin ang pahayag ni Sen Ping Lacson.

“we still wish Senator Imee all the best” ani Lacson kasabay ng pabiro nitong pagsasabi na hindi ang Alyansa ang may problema sa pag alis ni Marcos bagkus ay si Andrew E na syang kumakanta ng campaign jingle ng grupo.

Sa bawat rally ay isinisigaw ni Andrew E ay ” Kapag sinabing Alyansa” Labing dalawa na ngayon ay “labing-isa.” Gail Mendoza