MANILA, Philippines – Sa isang press conference sa Malolos City ilang araw bago ang midterm elections, nangako ang mga senatorial candidate mula sa ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ na isusulong nila ang matagal nang nakabinbing National Land Use Act (NLUA).
Iginiit nina dating Senador Ping Lacson at Tito Sotto na ang halos 30 taong pagka-antala ng NLUA ay sanhi ng mahinang liderato at kakulangan ng seryosong pagtutok mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.







