Home ENTERTAINMENT Ama ni Jiro, nagtampo, hindi na makikipagkita!

Ama ni Jiro, nagtampo, hindi na makikipagkita!

Manila, Philippines – Nito lang nakarating sa kaalaman ni Jiro Manio na tinangka pala ni Ai Ai de las Alas na hanapin ang Japanese father nito.

Matatandaang si Ai Ai ang nagmagandang-loob na ipasok sa isang drug rehabilitation facility ang aktor noong 2015.

Namataan daw kasi ng komedyana ang pagala-galang aktor sa Terminal 3 ng NAIA.

While at the rehab center, mismong si Ai Ai raw ang naghanap sa kinaroronan ng ama ni Jiro na si Yusuke sa Japan.

Ito ang rebelasyong ibinahagi ni Ai Ai nang kontakin ng PEP.

Jiro was sighted at the NAIA hoping to catch a glimpse of his father na hindi pa nito nakikita simula’t sapul.

In her search for Yusuke, napag-alaman ni Ai Ai na malaki umano ang hinampo nito dahil ang pagtulong daw nito sa lola ni Jiro ay hindi nakakarating.

Kumbaga, nagka-phobia raw si Yusuke sa mga Pilipino.

Ito raw ang dahilan ng pag-ayaw ni Yusuke na makipagkita kay Jiro.

Sa kabila ng kawalan ni Jiro ng tsansang makapiling ang ama’y gamit daw nito ang apelyidong Yusuke sa kanyang mga social media account.

Nabanggit nga ni Jiro sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda na dahil sa kawalan niya ng trabaho’y abala lang siya kagagamit ng cellphone.

Paulit-ulit na rin daw ang mga pinanonood niyang video sa mga application nito. Ronnie Carrasco III