Home METRO Ama pinagbabaril-patay ng mga armadong lalaki na pumasok sa bahay

Ama pinagbabaril-patay ng mga armadong lalaki na pumasok sa bahay

MANILA, Philippines – Patay ang isang 52-anyos na padre de pamilya matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki na pumasok sa loob mismo ng kanilang bahay sa Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon sa ulat, biglang pumasok ang tatlong lalaki kaya sumigaw ang dalawang anak ng biktima na nasa kanilang garahe.

Paglabas ng ama ay doon na ito pinagbabaril.

Nagawa pang kunin ng mga salarin ang dalawang cellphone ng biktima bago tumakas.

Wala namang pahayag ang pamilya ng biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa krimen. RNT/JGC