Home NATIONWIDE Reklamo laban sa illegal POGO, susuriin ng DOJ

Reklamo laban sa illegal POGO, susuriin ng DOJ

MANILA, Philippines – Susuriin ng Department of Justice ang reklamo ng dalawang Chinese nationals na nasagip sa sinasabing illegal POGO sa Porac, Pampanga.

Sinabi ni Prosecutor Darwin Cañete ng Anti POGO Task Force, sa sandaling matapos ang pagsusuri ay saka pa lamang itatakda ng DOJ ang preliminary investigation para dinggin ang reklamo laban kina Qin Ren Gou at Jiang Shi Guang na umano’y mga managers ng Lucky South 99.

Ang dalawang nabanggit ay ipinagharap ng kapwa Chinese nationals ng mga reklamong human trafficking, robbery with violence, serious physical injuries, kidnapping at serious illegal detention.

Kabilang sa mga naghain ng reklamo sa DOJ ang Chinese na nasagip ng mga otoridad na nakaposas sa frame ng kama at isa pa na may mga pasa sa katawan at mukha.

Ang dalawang manager ng POGO ay nakadetine na sa temporary detention facility ng PAOCC o Presidential Anti Organized Crime Commission sa Pasay City, habang at large o nakakalaya pa ang pitong iba pa. Teresa Tavares