MANILA, Philippines- Naaresto ng mga pulis ang isang 41-anyos na lalaki dahil sa umano’y pagpugot ng ulo ng kanyang 60-anyos na ama at pagkatay sa katawan nito sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Madaum, Tagum City, Davao del Norte nitong Linggo ng umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinagalitan ng biktimang si Loloy ang kanyang anak na si Barlono, dahil ilang araw nang hindi umuuwi sa bahay.
Inatake ng suspek ang biktima gamit ang patalim sa kanilang bahay. Kinatay ni Barlono ang katawan ng kanyang ama at inilagay ang puso nito sa puno at mga mga lamang-loob sa kawali. Itinapon umano ng suspek ang ulo ng biktima sa ilog at hindi pa nahahanap.
Nagsumbong ang mga kapitbahay sa mga pulis at nadakip si Barlono sa kanilang tahanan.
Narekober sa loob ng bahay ang dalawang patalim, isang martilyo, at pala, na ginamit umano sa krimen.
Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ni Loloy na balot ng putik.
Ayon sa mga pulis, may sakit sa pag-iisip ang suspek at nahaharap sa parricide case.
Nang kapanayamin ang suspek at tanungin kung bakit niya pinaslang ang kanyang ama, tugon niya: “Hindi ko alam.” RNT/SA