Manila, Philippines- Hindi na nag-aksaya ng panahon si Cristine Reyes na dali-daling lumuwas ng Maynila dahil sa natanggap na mga text messages na nag-aagaw-buhay ang kanyang ama-amahan.
Nasa Baguio kasi ang aktres.
Makikita sa ipinost ni Cristine ang larawan nila ng anak na si Amara na nasa labas sila ng World Citi Medical Center.
Walang binanggit na dahilan sa likod ng medical condition ni Ginoong Romeo.
Kamakallan lang ay nanawagan pa si Cristine sa social media ng paupahang bahay kung saan maaaring manatili ang kanyang stepfather.
Preferably, sa bandang Santolan area sa Pasig City ang hinahanap ng aktres.
Kallangan daw kasi ng exposure to sunlight ang amain.
Ito ang ikalawang pagkakataong ikina-panic ni Cristine ang kalagayan ni Mang Romeo.
Taong 2023 habang nagte-taping ay nakatanggap si Cristine ng tawag o mensahe tungkol sa kundisyon nito.
Sa kabila raw ng pamumugto ng kanyang mga mata, inalo o inalalayan siya ng kanyang mga costars sa set.
Si Ginoong Romeo ay ang adoptive dad ng aktres.
Ang tunay na ama ni Cristine ay isang Muslim na taga-Mindanao na sumakabilang-buhay dalawang taon bago niya ginawa ang pelikulang