Home NATIONWIDE Ambulansya nahulog sa dagat

Ambulansya nahulog sa dagat

1
0

MANILA, Philippines – Nahulog sa dagat ang isang ambulansya bago ito maisakay sa isang barge sa Hula-Hula Port sa Mabuhay, Zamboanga Sibugay.

Hinatak ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang sasakyan sa tubig gamit ang lubid.

Ligtas naman na nakalabas ang drayber ng ambulansya bago pa ito tuluyang mahulog.

Wala ring sakay na pasahero ang ambulansya nang mangyari ang insidente.

Pagmamay-ari ng Olutanga Municipal Hospital ang ambulansya na isasakay sana sa barge ngunit bigong makapag-break nang tama ang drayber habang pumaparada dahilan para mahulog ito sa dagat.

Patungo sana sa Ipil ang ambulansya para magpick-up ng oxygen tank. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here