Home METRO Rider patay sa banggaan ng tricycle, motor sa Caloocan

Rider patay sa banggaan ng tricycle, motor sa Caloocan

1
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang 30-anyos na rider matapos makabanggaan ang tricycle sa Congressional Road Extension sa Caloocan City madaling araw ng Huwebes, Hunyo 18.

“Nakasubsob na po si biktima [motorcycle rider] at si tricycle driver is nakaupo lang siya na hindi makatayo, nahihirapan din,” ayon kay Barangay 173 responder Gemma Sangalan.

“Pagdating namin doon, nilagyan po ng oximeter po ang daliri, dead on the spot din po ang biktima,” dagdag pa.

Napag-alaman na pawang mga nakainom umano ang mga sakay ng motorsiklo at tricycle.

Sa kabila nito ay iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here