Home NATIONWIDE P2.6M kontrabandong sigarilyo nasamsam sa Maguindanao del Norte, Cotabato

P2.6M kontrabandong sigarilyo nasamsam sa Maguindanao del Norte, Cotabato

2
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang kabuuang P2.6 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa Maguindanao del Norte at Cotabato noong Biyernes, Hunyo 19.

Ayon kay Lt. Col. Ramel Hojilla, director ng Cotabato Provincial Police Office, nagmamando ng checkpoint ang mga pulis sa Barangay Kawayanon, Makilala, Cotabato nang maharang ang isang Nissan minivan (MBI-4807) na kargado ng mahigit P887,000 halaga ng kontrabandong sigarilyo.

Ang may-ari ng sasakyan ay isang 25-anyos na negosyante mula Digos City.

Sa kaparehong araw ay iniulat naman ng mga opisyal ng Barangay Kawayanon sa pulisya ang pagkakadiskubre ng karagdagang kahon ng abandonadong sigarilyo sa madamong bahagi ng barangay.

Naniniwala ang mga awtoridad na bahagi ito ng kontrabandong kargo na naharang mula sa minivan.

Narekober ang 19 cases o 950 reams ng Fort White Menthol cigarettes na nagkakahalaga ng P812,791.

Naharang din ng mga pulis sa checkpoint sa Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang Suzuki Elf truck (MAQ-7123) na kargado ng ismagel na sigarilyo.

Tinatayang mahigit P866,000 ang halaga ng mga nakumpiskang sigarilyo.

Patungo sana sa Isulan at Tacurong City sa Sultan Kudarat ang mga kargamento.

Tinukoy ni Brig. Gen. Christopher Abecia, regional director ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), ang drayber ng truck na si Hamid Manday, 43, residente ng Barangay Bayanga Sur, Matanog, Maguindanao del Norte.

“This apprehension sends a clear message that illegal trade has no place in the Bangsamoro Region,” ani Abecia.

“We will continue to intensify our efforts against smuggling and other forms of illicit trade to uphold the rule of law and support a secure and stable environment for lawful commerce,” dagdag pa.

Inihahanda na ang reklamong isasampa laban sa mga sangkot, habang itinurn-over naman sa mga awtoridad ang mga nakumpiskang sigarilyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here