MANILA, Philippines – Agad na nagpadala ng tulong ang Provincial Government of Oriental Mindoro partikular na ang financial assistance sa Puerto Galera na nagdeklara ng state of calamity dahil sa water shortage.
Ayon sa Provincial Information Office – Oriental Mindoro, ang support package ay isinapormal sa ilalim ng Resolution No. 3, Series of 2026, na inendorso sa sesyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Ang hakbang ay bahagi ng tugon ng probinsya sa mahabang dry conditions na dala ng El Niño phenomenon.
Sa ilalim ng panukala, makatatanggap ang Puerto Galera ng inisyal na P1 milyon upang agarang ipambili ng mga kailangang suplay at kagamitan para sa distribution operations katulad ng mga hose at gasolina para mapatakbo ang mga water delivery truck at mobile supply points.
Upang maipagpatuloy ang relief efforts sa mga susunod na buwan ay ipinanukala rin ng lalawigan ang regular na alokasyon na P250,000 kada buwan na magpapatuloy hanggang makarekober ang local water supply system at maibalik ang normal na serbisyo.
Iginiit ni Governor Humerlito Dolor na nakadisenyo ang tulong na walang maiiwang komunidad na walang malinis na tubig sa panahon ng krisis.
“This funding is meant to deliver immediate support to affected households and guarantee continuous distribution services for residents grappling with shortages,” ayon sa gobernador.
Naipadala na ang resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan para sa pagsusuri, deliberasyon at final approval. RNT/JGC