MANILA, Philippines – Pinalawig ni Sarangani Gov. Rogelio Pacquiao ang suspensyon ng onsite classes sa probinsya hanggang Hunyo 30.
Ito ay upang makatutok umano ang pamahalaan sa recovery at rehabilitation efforts sa banta ng mga nagpapatuloy na aftershock dahil sa magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao ngayong buwan.
Hanggang noong Hunyo 18, nasa 2,352 pamilya na karamihan ay mula sa Glan at Malapatan, ang tumutuloy sa evacuation centers matapos masira ng lindol ang kanilang mga tirahan.
Sa buong probinsya ay mayroong 91,723 pamilya naman ang apektado ng lindol. RNT/JGC