Home METRO American national na pansamantalang nanirahan sa NAIA, nakaalis na ng bansa

American national na pansamantalang nanirahan sa NAIA, nakaalis na ng bansa

MANILA, Philippines – NAKAALIS na ng bansa ang isang 76-anyos na American national na nakakuha ng atensyon sa social media dahil sa paninirahan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Bureau of Immigration (BI) ang lalaki na naging headline sa social media dahil sa paninirahan sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay umalis na ng bansa makaraang dumating ito mula sa Bangkok noong Enero 31.

Nabatid sa BI na iniulat ang nasabing dayuhan ng mga awtoridad sa paliparan na nakatira sa loob ng NAIA Terminal 3, dahil mahal umano ang mga hotel.

Dati niyang sinabi sa media na siya ay biktima ng pagnanakaw, ngunit mayroon pa ring natitirang pera. Sinasabing siya ay nabubuhay mula sa mga donasyon mula sa mga manggagawa sa paliparan at iba pang mga pasahero.

Napag-alaman na ang sitwasyon ng dayuhan ay naiulat na sa US embassy sa Manila, na nagpasimula ng tulong para sa kanya.

Kinumpirma ng BI na hindi nag-overstay ang lalaki sa kanyang visa at umalis patungong Bangkok noong Pebrero 22. JAY Reyes