Home METRO Trike driver itinumba sa CR

Trike driver itinumba sa CR

MANILA, Philippines – Patay ang 52-anyos na tricycle driver matapos barilin sa loob ng comfort room sa Barangay Mayapa, Calamba City, Laguna nitong Sabado, Pebrero 22.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Senen Bulatao.

Sa imbestigasyon, narinig ang putok ng baril mula sa comfort room at nakita na lamang ang biktima na nakahandusay na.

Kasabay nito ay isang lalaki ang lumabas din sa comfort room at agad na sumakay ng motorsiklo.

Ang suspek ay nasa 5’4″ hanggang 5’6″ ang taas, medium-built, at nakasuot ng jacket, pants at sapatos.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay nito. RNT/JGC