MANILA, Philippines – MULING magpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.70 sa kada litro ng gasolina, P0.40 sa kada litro ng diesel at P0.20 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.
May dagdag presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-4:01 ng hapon.
Ang ipapatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.
Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.80 sa kada litro ng gasolina at diesel habang P0.10 naman sa kada litro ng kerosene. JR Reyes