Home METRO Cardinal Tagle nanawagan ng special prayer kay Pope Francis

Cardinal Tagle nanawagan ng special prayer kay Pope Francis

MANILA, Philippines – Nanawagan si Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga mananampalataya na manalangin para may Pope Francis na nanatiling nasa kritikal na kondisyon.

“Today, we pray in a special way for Pope Francis,” sabi ni Tagle sa kanyang homily nang pangunahan ang Misa sa Pontificio Collegio Filippino chapel sa Rome.

“In the spirit of communion and as the Gospel states, [we may] be vessels of God’s compassion to him and to many other people who are suffering from illness.”

Wala nang krisis sa paghinga ang papa simula Sabado ng gabi ngunit nananatiling tumatanggap ng supplemental oxygen ayon sa update ng Vatican.

Kaisa si Tagle sa Vatican sa pag-aalay ng espesyal na panalangin para sa Papa.

Ang dating archbishop ng Manila, si Tagle ay Isa sa dalawang nangungunahang choices na magiging susunod na Papa, ayon sa Catholic Herald report. Jocelyn Tabangcura-Domenden