MANILA, Philippines – DUMATING sa Palasyo ng Malakanyang si Palau President Surangel Whipps Jr., araw ng Lunes, Pebrero 24, para sa bilateral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mainit na tinanggap at sinalubong ni Pangulong Marcos at iba pang opisyal ng Pilipinas si Whipps sa Kalayaan Grounds.
Sa magiging pagpupulong ng dalawang lider, inaasahan na magpapalitan ng kuru-kuro ang mga ito, si Whipps hinggil sa pagpapalawak ng umiiral na bilateral cooperation hinggil sa palaisdaan, kalakalan, investment, connectivity at people-to-people ties.
Gagalugarin din ng mga ito ang mga bagong abenida o daan ng pagtutulungan, partikular na sa sektor ng kalusugan at sektor ng paggawa.
Pag-uusapan naman nina Pangulong Marcos at Whipps ang South-South cooperation, regional concerns at karaniwang mga adbokasiya sa multilateral arena. Kris Jose