Home NATIONWIDE Balita sa bagong coronavirus, false alarm – DOHNATIONWIDETOP STORIES Balita sa bagong coronavirus, false alarm – DOHFebruary 24, 2025 13:13 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok MANILA, Philippines – Kumakalat sa social media na bagong coronavirus, isang uri ng false alarm ayon sa DOH.Wala umanong katotohanan ang kumakalat ngayon sa social media na bagong umuusbong na virus na mula na naman sa China.Kasabay nito, mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang HKU5-Cov-2 na bagong corona virus variant.Ito ay isang uri ng false alarm ayon sa DOH na layon lamang na makalikha ng takot o pangamba sa publiko.Ayon sa DOH, walang notipikasyon mula sa World Health Organization (WHO) tungkol sa nasabing bagong virus.Giit ng ahensya, bumabatay lamang sila sa datos ibinibigay ng WHO.Dagdag pa ng DOH, kailangan suriing mabuti ang mga impormasyon na nakikita sa mga social media site. Jocelyn Tabangcura-Domenden