Home METRO Amerikanong sex offender naharang sa Clark

Amerikanong sex offender naharang sa Clark

MANILA, Philippines- Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American sex offender sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga.

Base sa BI, dumating ang pasaherong si Rusty Contan Thomas sa bansa mula Taiwan noong Hulyo 8. Hindi siya pinapasok nang makitang may positive hit ito sa derogatory alert system ng BI.

Si Thomas, 33, ay isang registered sex offender na nakulong dahil sa ilang sexual offense habang nanunungkulan sa US Air Force. Hinatulan umano itong guilty sa two counts ng possession of child pornography na nagresulta sa pagkakatanggal niya sa serbisyo.

Anang BI, isinailalim si Thomas sa immigration blacklist, na nagbabawal na makapasok siya sa bansa.

“Our country is off-limits to all foreign sexual predators because it is our duty to protect our women and children from being victimized by these unwanted aliens,” giit ni BI Commissioner Norman Tansingco. RNT/SA