Home ENTERTAINMENT MLD Entertainment sinita ng mga fan ng HORI7ON

MLD Entertainment sinita ng mga fan ng HORI7ON

MANILA, Philippines – Pinuna ng mga fans ang Korean agency ng Filipino global group na HORI7ON.

Matapos mag-trending sa social media ang mga katagang HORI7ON DESERVES BETTER, ibinulalas ng mga fans na Anchors ang kanilang sentimyento sa career ng grupo.

Sa mga tweet, kabilang sa mga pinuna ay ang hindi pa umano beripikadong Spotify, Facebook at Instagram account ng HORI7ON hanggang sa ngayon.

Kasama rin umano rito ang kakulangan ng mga vlogs na inilalabas, walang professional photos sa mga event at ang matumal na update sa social media accounts ng mga miyembro at ng grupo.

Dagdag pa sa mga hinaing ng mga fans ay ang matagal na comeback announcement para sa grupo.

Kamakailan ay nagtanghal ang HORI7ON sa Samsung Galaxy AI Festival sa Bonifacio Global City sa Taguig. RNT/JGC